Just a small girl trying to make it big. Just a lost soul wanting to be found.

I'm Catherine Denise, but people call me Castrine for short. I'm 17 y/o, taking up Communication Arts in the University of Santo Tomas in Manila, Philippines.

Ang hirap na.

Ito na naman ako. Naninikip ang dibdib, pero wala akong paki. Nandito lang ako sa harap ng laptop. Tangina kasi, wala na namang gamoooot. Naubos ko na naman pala. Kakapabili ko lang nung nakaraan eh. T___T Ano na bang mali sa akin?

Pagod lang siguro ako? Yun nga sana. 

Yung sakit ng likod ko… tatlong araw na, pero hindi ko iniinda. Ganito naman ako lagi eh, wag na lang indahin. Makaka-istorbo pa ako ng tao. Ayoko ng nakakaabala. Pero ayun, ngayon hindi ko na talaga kaya. Kaya nung practice, kinukulit ko na lang si Karla, tsaka tinutulungan ko si Diane sa routine nila, para lang mawala sa isip ko. Kabaliwan tong ginagawa ko, oo, alam ko. Pero nakasanayan ko na siguro talaga na nagtitiis sa nararamdaman ko. Isipin pa ng iba putang ina ko, nagddrama lang ako.

Sana nga lang, hindi TB to or Pneumonia. Kahapon kasi, yung feeling na sinipa yung likod ko yung gumising sa akin. Tapos feeling ko may nakadagan sa dibdib ko. Feeling ko hindi naman yung yung symptoms ng TB or pneumonia.

Siguro, mas lumalala lang talaga hyperventilation ko kasi lagi akong dehydrated tas walang tulog. Ang lala lang talaga nung kanina. Bumaba lang naman ako (kasi nung nagpakuha ako ng tubig kasi masakit yung ulo kasi nag-PMS ata ako tsaka wala yung salamin ko, napagtaasan pa ako ng boses. Ayoko pa man din ng ginaganun pag masama pakiramdam. T___T) tapos pag akyat ko, yung feeling na yung respiratory tract ko numipis lahat. Ang hirap lang huminga, as in. Tinakpan ko na lang yung mukha ko ng kamay ko, kinakantahan ko kasi yung sarili ko to distract myself. I believe na mind over matter lang kasi ang hyperventilation. Pero ayun, baliw na ata ako, bigla na lang akong naiyak. Dala na rin siguro sa pain sa chest ko. Eventually naging okay naman. Inalagaan naman ako ng mga anak ko eh. <3

Hay nako. Pero nadagdagan pa yung hirap ng paghinga ko, kasi sobrang sakit ng ulo ko. PMS ata, or kasi wala na naman akong tulog. Or, kasi wala yung salamin ko. Ewan. Lahat na. Ayun, mahihilo-hilo na akey, pero gora lang. Sayaw pa, tapos talon-talon. Ang init pa rin nga ng forehead ko eh. Uminom na ako ng Advil, pero ayun. Waley talab. Putek na yan. Sobrang sakit ng ulo ko, gusto ko sumuka sa bus kanina. Tapos ito ako ngayon, ayaw bumangon sa kama.

OMG. Yung big toe ko pa pala, namamaga kasi nabagsakan ng shower gel. The good news though is, hindi na sya color violet. Yung kulay ube na ewan. Pero nakaumbok pa rin, tapos pag nagkamali ng pagsuot and sapatos at natamaan sya, ayun, ika-ika maglakad.

My gosh. Tiis-tiis rin. 2 araw na lang naman ako mawawalan ng lakas para lumaban eh. Pag natapos tong practice para sa Ola Bayle, tapos maayos yung sayaw namin ni Jerome, at masaya na ako, babalik na siguro yung strong fighting power ko at magiging okay na ako ulit. Hayyyyyyyys. Ang hirap lang. Nagsabay-sabay kasi eh. Bahala na si Lord.


theme