lahat ng galaw base sa mood or trip ng utak.
Eh sa kung kunwari, nasa mood akong maging sweet sa lahat/sa iyo, ganun lang ako hanggang sa magsawa na ako kasi walang namang nangyayari sa pagiging sweet ko. Taken for granted pa rin kumbaga, eh di wag na lang. HAHA.
Nung nakaraan, wala ako sa mood na makita yung mga tao sa past ko. (As a group though, or hindi naman kasi silang lahat. May certain people lang na nagsasawa akong makita/makapiling pag iisang malaking grupo kami magbobonding. Pero kung solo time kasama sila yung ibibigay sa akin, okay pa.) Wala kasi ako sa mood na magkaroon ng “reunion” na parang napakabig deal. Puro ganun na lang kasi sila, alam mo yung parang napakabig-deal sa kanila yung gumala kami/magkita kaming lahat. Tapos pag may hindi sasama, parang gumagawa ng napakalaking krimen nung tao. EH PUTANG INA, MAY BUHAY YUNG TAO… BUSY SYA EH, HINDI SYA MAKAKASAMA, ANO BANG MASAMA DUN? Bakit kailangang magalit ng lahat diba? So ayun, medyo nagsasawa na ako na maki-“party” sa kanila nung nakaraan. Makapag-react naman kasi yung iba sa kanila, putcha… 48 years na ba kaming hindi nagkita? Hello, lagi ko naman silang kausap OL… ano bang meron. Kami nga nina Leica, Ann at Camille, hindi na nagkikita at nakakapag-usap sa text/FB hindi kami ganun kasabik magkita no. Karamihan rin naman kasi, pag magkakasama kami ang topic namin kung ano yung ginagawa namin noon. Tipong 37 times na naming napagkwentuhan yun (syempre the past does not change), hindi pa rin sila nagsasawa. Pwede naman kasi mag-move on diba? Hmmmm. Sa ngayon naman, may nakakasama ako sa kanila paisa-isa… medyo nahihila na yung mood ko pabalik dun sa good side. :D
Ano pa bang bagay yung wala ako sa mood gawin these past few days?
Hmmmmm. Wala ako sa mood mag-aral. (parang lagi naman) Pero this time, medyo mas malala ata. Tipong mas okay pa na wag na lang ako pumasok… yung mas masaya pa ako magkasakit para lang may rason umabsent. ALAM MO YUN. Puro suspension of classes kasi siguro natamo ko nung nakaraan kaya nawalan ako ng gana sa academics.
Wala na rin akong gana mag-lakwatcha (or baka ngayon gabi lang ito). Gusto ko manood ng sine sa big screen, pero ayoko mag-mall. HAHA. WTH? (Sa tingin ko kasinungalingan lang ito, at nasasabi ko lang ito kasi pagod na ako at sinasabi sa akin ng diwa ko na mas masarap matulog kaysa sa maglakwatcha). EWAN! Pero there’s something inside me na nais ng free happy bonding time with my friends, pero gusto ko rin magkulong sa bahay. (So with this, pag walang naghaya/pumilit sa akin, sa bahay lang siguro ako sa 22 to 26. I’ll be happy in doing either so yeah, whatevs. EWAN. Bahala na sa trip ng barkada. XD)
Sa ngayon, trip ko mag-blog ng matino. Naalala ko lang siguro yung favorite Sir ko sa dati naming school. Tinuruan nya ako magblog ng may sense ba. Ewan ko dun, paki nya ba sa akin. Oh well, ako lang naman ata ang favorite nyang pasaway at maingay na estudyante. Parang anak nya kasi ako/kami ng mga kaibigan ko. Favorite ko rin naman sya, so quits lang kami. Nakaka-asar lang hindi na sya yung nag-iisang lalaking teacher namin sa school hanggang nung grumaduate kami kasi umalis na sya. Namimiss ko na siya. T____T Ang bait lang nya sa akin tapos ang open-minded nya sa pagview ng mga bagay-bagay sa buhay. Parang wise old man, ahaha. Pero, bagets version.
Sa ngayon medyo trip ko rin ata na buksan yung original na tumblr ko. Ewan ko ba. SIRA ULO RIN KASI AKO. Gagawa-gawa pa ako ng “personal” tumblr account, hindi naman ako mahilig mag-rant. Natake for granted ko tuloy yung isa kong blog eh ang daming taga-subaybay nun noon. HAHA. Ewan ko, siguro nawalan rin ako ng gana nun doon kasi sa follower loss. Tsaka nainis rin kasi ako sa 4chan-Tumblr war noon. PURO YUN NA LANG LAMAN NG TUMBLR NOON. Nakakarindi lang. Kaya ayun, nawalan ako ng gana, nawalan ng gana yung iba sa 1k+ followers ko, at ayan, napunta tuloy ako dito with my (*checks follower count*) 34 followers. (Hey, 50+ na to nung nakaraan ah). Oh well, ang follower count ko, parang buhay lang naman. Up and down rin ang peg.
HAY NAKO. Ngayon, nasa mood ako na gamitin ang aking original tumbleblog.
So siguro hindi nyo muna ako makikitang nagkkwento. Hindi na kasi private doon eh. Mag-reblog reblog na lang muna ako ng cute stuff. HAHA.
OMG ANG HABA LANG NG NATYPE KO. Wala rin namang magttyga magbasa nito, so yeah~ :D <3
Pero eto, tip sa mga nagbasa nito: Kung kunwari maganda yung mood ko at one point (ex. sweet ako, happy, so energetic ang peg, helpful, extravagant) enjoyin mo na dapat, kasi dahil paiba-iba nga ang asta ko base sa mood, eh di ayan… make the most out of me dapat kasi baka bukas/next week or kung kelan man, hindi na ako ganun. HAHAHA. CHOS LANG.
